Dinispatsa ng Denver Nuggets ang Los Angeles Clippers sa Game 7 ng NBA playoff series, 120-101, noong Sabado, at makakaharap ang Oklahoma City Thunder sa ikalawang round.
Humakot sina Aaron Gordon ng 22 points at Christian Braun ng 21 points habang nag-ambag si Nikola Jokic ng 16 points, 10 rebounds, at 8 assists.
Ang malakas na depensa at balanseng opensa ng Nuggets ay naging labis para sa Clippers.
Naglista lamang si James Harden, ng 7 points, habang si Kawhi Leonard na may 22 points, ay hindi nakatulong sa Clippers upang mapanatili ang laban.
Matapos ang isang dikit na laban ng Clippers sa unang quarter, 26-21, pinatiklop ng Nuggets ang Clippers sa pangalawang quarter na nagtala ng 37 points at nagtuloy-tuloy sa ikatlong quarter, kung saan nagsagawa sila ng 17-0 run upang palakihin ang kanilang lamang sa 75-50.
Nagpatuloy ang tagumpay ng Nuggets at nagtapos ang laro na may malaking 35-points ang lamang.
Pinalakas pa ang kanilang tagumpay sa tulong ni Russell Westbrook, na nag-ambag ng 16 points at 5 rebounds, at sumalaksak sa court sa ikaapat na quarter laban sa kanyang dating koponan.
Ngayon ay haharapin ng Nuggets ang Oklahoma City Thunder, na may pinakamataas na record sa regular season at nanalo sa unang round laban sa Memphis Grizzlies.
Trending
- Bolts pinahiya ang Macau 115-110
- Karl Eldrew Yulo nagtapos sa pang-pitong puwesto sa floor exercise ng Gymnastics World Cup
- ‘Game of Thrones’ actor pumanaw @ 35
- Kaila Estrada ‘proud GF’ ang peg sa pag-flex kay Daniel Padilla
- Blackpink Jennie bagong global ambassador ng Ray-Ban
- 2 Pinoy church leaders, itinalaga ng Santo Papa sa Vatican comms body
- Medical fair sa mga drayber ilulunsad ng DOH sa Abril 16
- ‘Di awtorisadong taas-presyo ng bilihin, babantayan ng PNP

