Patay ang isang negosyante at driver nito nang harangin ang sinasakyan SUV at pagbabarilin ng dalawang hindi nakikilang mga salarin sa Quezon City nitong Huwebes ng hapon.
Kinilala ang mga nasawi na sina Ceferino Mariano, 75-anyos, negoysnte, ng Mabait St. Teacher Village Quezon City; at Norberto Oraminaco, 51-anyos, driver, ng Oxford St Cubao, Quezon City.
Sa inilabas na kuha ng CCTV na Quezon City Police  nasa 40 hanggang 60-anyos ang gunman, na nakasuot ng light blue cap, black shirt, light blue short at slipper; habang ang driver ng motosiklo  nasa 40 hanggang 50-anyos, nasuot ng blue cap, blue shirt na may tatak na “jeep” at black shoes.
Ayon kay Lt Col Zachary Capellan, Commander ng  Quezon City Kamuning Police Station 10, dakong  3:32 ng hapon ng maganap ang pamamaril sa  Timong Ave cor. Edsa, Quezon City.
Sakay ang mga biktima sa isang puting Suzuki S-presso na may plakang NLE 4839 na minamaneho ni  Oraminaco at binabagtaas ang kahabaan ng Timong Ave, na galing sa opisina at huminto nang magpula ang traffic signal.
Nilapitan ng dalawang salarin sakay sa isang 125  Yamaha Mio na nag-aabang sa pagdaan ng mga biktima at pinaputukan ng ilang ulit bago tuluyang  tumakas patungo sa Edsa.
“Makikita naman natin doon sa CCTV na inabangan talaga sila. So there is a strong probability that prior to the incident the victim was surveyed or nagkaroon ng surveillance itong mga suspect because may mga footage kaming na view na bago dumaan itong victim going to Timog nakaabang na ‘yung mga suspects but as to the exact where their location of the incident ‘yun po ‘yung ongoing na kina-capture namin,” ani Capellan.
Dinala ang mga biktima sa ospital nguni’t kapwa binawian ng buhay makalipas ang ilang oras sanhi ng tinamong mga tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.
Sinabi Capella na nakakuha ang mga imbestigador ng 12 basyo at slug ng bala at magazine ng cal 45 sa pinagyarihan ng insidente.
Sa isinagawang follow-up operation, isinaad ni Capella na narekober ang ginamit na 125 Yamaha  MIO ng mga suspek na inabandona sa Scout Rallos  Quezon City at nagpalit ng kanilang mga suot na damit.
“So when they abandoned the motorcycle immediately nagpalit po sila ng dami. They are walking towards Scout Ybardolaza so adjacent lang po ‘yung Scout Rallos then they made right turn and on foot sila they walked along Scout Ybardolaza then nag-left sila ang pumasok sa Scout Torrillo doon along Scout Borromeo sumakay sila ng motorcycle. So showing on the screen is the enhanced physical facial features of the both of the suspects,” ani ni Capellan.
Ayon naman sa source, isa sa mga anggulong kinokonsidera kung may kaugnayan umano ang insidente ng Small Town Lottery o STL, nguni’t wala pang opisyal na kumpirmasyon ang pulisya hinggil sa motibo ng pamamaril.
Isinaad ni Capella na patuloy ang isinagawang manhunt operation laban sa dalawang suspek upang matukoy ang pagkakakilanlan at agarang pagkakadakip.

Share.