Maghahain ang National Bureau of Investigation (NBI) ng qualified human trafficking charges sa Department of Justice (DOJ) laban kay Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste at anim pang indibidwal.

Ibinunyag ito ni NBI Director Melvin Matibag nitong Biyernes, Setyembre 4, kung saan kasama rin umano sa sasampahan ng reklamo si dating Negros Oriental Rep. Jacinto “Jing” Paras.

Kabilang din sa kakasuhan sina talent manager Alias Ken at apat na abogado mula sa Rondain and Mendiola Law Firm. 

“Qualified human trafficking ‘yung ifa-file natin,” ani Matibag, kung saan ang naturang kaso ay non-bailable.

Kaugnay ito ng umano’y “honey trap” plot laban kay Executive Secretary Ralph Recto.

Matatandaang nagsimula ang imbestigasyon matapos sabihin ni Ken na may planong character assassination laban kay Recto, na umano’y gagamit ng apat na kanyang female artist upang maglabas ng mga gawa-gawang pahayag tungkol sa umano’y ilegal na droga at pakikipagtalik.

Ayon kay Ken, sangkot umano sina Paras at mga abogado sa pagpaplano at paggawa ng mga pahayag, habang si Leviste naman ang sinasabing financier. 

Share.