Sinabi ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag na posibleng nagpositibo lamang sa paraffin test ang volunteer driver ng NBI dahil sa gunpowder na nasa loob ng Senado matapos ang insidente ng barilan.
Ayon kay Matibag, walang baril ang driver nang mangyari ang pamamaril kaya posible umanong nadikitan lang ito ng residue ng pulbura sa lugar.
Ipinaliwanag niya na dinala ang driver sa Senate grounds kung saan nagpaputok umano ng baril ang Office of the Sergeant-at-Arms (OSAA).
“When he was arrested, from GSIS premises, he was taken to the Senate grounds on the second floor, he was laid down right where the OSAA was shooting when the gun was fired,” sabi ni Matibag.
Dagdag pa niya, posible talagang magkaroon ng gunpowder residue dahil sa lugar kung saan dinala ang driver.
Binigyang-diin din ni Matibag na inosente umano ang NBI volunteer driver at isa lamang siyang suspect sa insidente.
“He was arrested in the GSIS premises without a warrant, without anything that he is doing, he was just suspected,” ani Matibag.
Noong Lunes, pansamantalang nakalaya ang driver matapos makapagpiyansa ng P116,000 para sa kasong paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at direct assault.
Nagsimula ang barilan noong Miyerkules ng gabi sa pagitan ng mga tauhan ng NBI at OSAA sa Senado, ilang oras bago umalis si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa sa gusali.
Inamin naman ni suspended acting OSAA chief Mao Aplasca na siya ang unang nagpaputok ng baril bilang warning shot laban sa mga tauhan ng NBI.
Trending
- Knicks, ibinulsa ang Game 1 OT win vs Cavs, 115 – 104
- Lim, Olivarez pangungunahan ang Palawan Open tennis
- KC, dinalaw si Sharon
- Kathryn, nagsalita na sa lagay ng lovelife
- BINI pinarangalan sa Kamara
- Padilla: Bato nakisakay lang, walang ideya kung saan papunta
- DOH: Pinoy crew ng hantavirus-hit cruise ship ‘di na kailangan mag-quarantine ulit
- 9,800 Pilnoys na-repat sa gitna ng MidEast war

