Nanawagan si Akbayan party-list Rep. Dadah Kiram Ismula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na isama sa “Walang Gutom” program nito ang mga nanay na minimum ang sahod at mga market vendor, sa gitna ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
Inihain ni Ismula ang House Resolution 904 upang igiit ang kahalagahan na matulungan ang mga nanay para mapangalagaan ang kalusugan nila at ng kanilang mga anak at para makapagpatuloy sa pagtitinda ang mga vendor.
“Hindi pwedeng magkanya-kanya ang ating bansa habang hindi na makabili ng sapat na pagkain ang mga pamilya para sa kanilang mga anak dahil sa mahal ng bilihin,” sabi ng lady solon.
“While we know that aid is being rolled, DSWD needs to respond to the varying needs of our kababayan. When we take care of our mothers and vendors, children and community members also benefit,” dagdag pa nito.
Ayon kay Ismula, sinabi ng Department of Agriculture (DA) sa pagdinig ng Senado noong Miyerkoles na posibleng umakyat ng 50% ang presyo ng bigas, manok, at baboy bunsod ng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.
Batay umano sa 2023 National Nutrition Survey, sinabi ni Ismula na isa sa bawat limang buntis ang nahaharap sa pagluluwal ng anak na malnourish. Lalo umano itong lalala sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
sa ilalim ng WalangGutom 2027 program ng DSWD, binibigyan ang mga benepisyaryo ng P3,000 buwanag meal credit na maipapalit ng pagkain sa mga accredited merchant at Kadiwa ng Pangulo stalls.

Share.
Exit mobile version