Pinalaya na ang dating pangulo ng Myanmar na si Win Myint matapos bigyan ng amnestiya ng military government, habang pinaikli naman ang sentensya ng pro-democracy leader na si Aung San Suu Kyi.
Si Win Myint ay nakakulong mula pa noong 2021 military coup at napatawan ng iba’t ibang kaso na matagal nang kinukuwestyon ng mga kritiko.
Samantala, nananatiling naka-detain si Suu Kyi, ngunit ayon sa ulat, nabawasan ang kanyang 27 taong sentensya bilang bahagi ng mass amnesty na iniutos ng junta.
Sa ilalim ng kautusan, ang mga sentensyang mas mababa sa 40 taon ay babawasan ng 1/6 na bahagi nito na maaaring makinabang din ang dating lider.
Nanawagan naman ang United Nations para sa agarang pagpapalaya sa lahat ng mga ikinulong matapos ang kudeta, kabilang si Suu Kyi.
Binigyang-diin ni UN Secretary-General Antonio Guterres ang pangangailangan ng pagwawakas ng karahasan at makabuluhang dayalogo upang maresolba ang krisis sa Myanmar.
Si Suu Kyi at Win Myint ang nanguna sa sibilyang pamahalaan ng bansa bago ito mapatalsik ng militar, na nagdulot ng patuloy na kaguluhan at krisis pampulitika.
Trending
- Kaila Estrada, Daniel Padilla wapakels pa rin sa mga viral photo na magkasama
- Julia Barretto aminadong nakadama ng pressure sa pagiging Barretto
- Ogie Alcasid ‘napikon’ kay Vice Ganda
- Higit P3.7m ilegal na gamot nasabat sa Lucena City
- Ammonia, tumagas sa ice plant sa Caloocan: 10 naospital, 90 inilikas
- 100 puno inatake ng peste
- Bagong laya todas, Pulis sugatan sa engkuentro sa Pasay
- 8 lugar tutustahin ng malaimpyernong damang-init
