Nasawi ang isang mister nang pagbabarilin sa harap ng kanyang misis sa kanilang puwesto sa Calaocan, Cabatuan, Isabela noong Sabado ng gabi, Agosto, 15, 2026.
Kinilala ang biktima sa alyas na Juniel, 40-anyos, meat vendor na residente sa naturang bayan habang hinihinalang riding in tandem naman ang dalawang suspek.
Hanggang sa ngayon, blanko pa rin ang imbestigasyon sa pamunuan ni PMaj. Oneil Jay Dumayas, Hepe ng Cabatuan Municipal Police Station matapos makatakas ang riding tamdem criminal.
Una rito, tumawag ang kanilang Punong-Barangay para ipaalam ang nangyaring krimen sa lugar at doon nadatnan ng mga kapulisan na nakahandusay na abg biktima.
Isang motorsiklo umano ang huminto sa puwesto ng mga biktima lulan ng dalawang lalaki na nakasuot ng helmet na lumapit pa at nagtanong sa halaga ng pang-isang kilong karne sa biktima.
Bigla na lamang umanong bumunot ng armas ang gunman at pinagbabaril ang biktima sa harap ng kaniyang misis tinamaan sa tiyan at ulo.
Hanggang sa ngayon ay blanko pa rin ang kapulisan kung ano ang motibo sa pamamaril sa biktima.
======
Trending
- Faith healer patay sa saksak habang tulog
- 2 patay, 4 sugatan sa salpukan ng SUV at trak
- Estudyante sa Iloilo pinagagamit na ng transparent bag
- 4 patay sa sunog sa Pasay
- Ipinao-overhaul ang MMDA para sa trapiko, baha, basura
- Panibagong bugso ng habagat, asahan sa susunod na linggo
- Brgy. tanod sa iskul, isinusulong bilang dagdag-seguridad!
- Sept. 14 : special non-working day sa BARMM

