Nahulay ang isang bangkay ng diumano nawawalang Chinese national ng mga pulis sa isang lugar sa Barangay Masigay sa Datu Salibo sa Maguindanao del Sur nitong Miyerules.
Unang naiulat na nawawala si Shang Lai Hong ng mga kakilala at kapwa Chinese nationals ilang araw bago nadiskubreng nakalibing ito sa mababaw na hukay sa isang lugar sa Barangay Masigay sa Datu Salibo, isa sa 24 na mga bayan sa Maguindanao del Sur.
Ayon sa mga impormante at mga officials ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, si Shang, mula sa Pangasinan sa Ilocos region sa Luzon, pumunta ng Sultan Kudarat sa Region 12 at doon nakipagkita sa isang Taga Tacurong City sa naturang probinsya at sa isang taga Datu Piang sa Maguindanao del Sur.
Hindi pa mabatid ng mga kinauukulan kung ano ang sadya ni Shang sa Sultan Kudarat at kung paano ito nawala bago natagpuang nakalibing sa isang mababaw na hukay sa Datu Salibo na kilalang isang bayang may problema sa seguridad.
Iniulat nitong Miyerkules ng mga local executives at ng mga police officials sa Maguindanao del Sur ang pagkakahukay ng mga pulis sa diumano mga labi ng banyagang si Shang sa Barangay Masigay.
Inaalam pa ng mga imbestigador ng Datu Salibo Municipal Police Station at ng mga intelligence operatives ng Maguindanao del Sur Provincial Police Office at ng Police Regional Office kung paano napunta si Shang sa Salibo at nadiskubreng pinatay at inilibing sa Barangay Masigay sa naturang bayan.

Share.