May pencil sketch ni Alex Eala na ipinost si Michael V sa kanyang Instagram account.
Naka-side view doon ang matagumpay na tennis player who’s holding a racquet.
Kahit gamit lang ang lapis, recognizable naman ang subject sa sketch.
Nilakipan pa ito ni Michael V ng caption na: “NAKAKABILIB KA!!!” na kinabiliban din ng mga netizens.
llan lang sa mga comments ay: “Wowww!”, “Amazing!”, “Both GOAT!”, “Nakakabilib siya. Pati ikaw, kuya!”, “Pareho kayong nakakabilib!”, “Lupit Toybits!”, “Nice!”, “Bumalik na kayo sa pagdo-drawing!” at “Angas talaga!”
May nagtanong kung ano na lang ang hindi kayang gawin ng multi-talented na si Michael V?
May nakaalala pa ngang may ginawa ding pencil sketch si Michael V ni Kobe Bryant at kinabiliban din.
Ikaw na ang mamakyaw ng talento!
=====
Trending
- 3 patay sa leptospirosis sa San Lazaro Hospital
- 4 wanted tiklo
- Sibilyan empleyado ng SulKud PNP patay sa ambush
- Sekyu ‘di pinasweldo, hinostage ang menor kapitbahay
- 15 guro nasagip sa rumaragasang ilog
- Pulis putol kamay sa taga ng baliw
- Mag-asawa at anak natagpuang patay sa loob ng bahay
- Janine Gutierrez umaming niloko ng boylet

