Natagpuan ang isang metallic debris na may foreign markings sa baybayin ng Lian, Batangas nitong Lunes, Hunyo 15, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).
Ayon sa Coast Guard Station Batangas, iniulat ng isang concerned citizen ang presensya ng naturang aluminum debris malapit sa baybayin ng Sitio Talim, Barangay Luyahan. Tinatayang nasa 20 talampakan ang haba at 10.5 talampakan ang lapad nito.
Sa inisyal na pagsusuri gamit ang translation tools, lumalabas na ang mga nakasulat na Chinese characters ay posibleng tumutukoy sa “Antenna Transmission Window 5”.
Patuloy pang inaalam ng mga awtoridad ang pinagmulan at kalikasan ng naturang debris.
Nasa kustodiya na ng PCG ang debris para sa wastong dokumentasyon, monitoring, at karagdagang assessment. Patuloy din ang pakikipag-ugnayan ng ahensya sa mga kaukulang awtoridad upang matukoy ang pinagmulan at kahalagahan nito.
=======
Trending
- EJ Obiena nagtapos sa pang-anim na puwesto sa Wanda Diamond League
- US Open inanunsiyo na ang kabuuang premyo na ipapamahagi
- Janella Salvador napiling boses ng ‘How Far I’ll Go’ sa ‘Moana’ concert
- Francine Diaz maldita at suplada?
- SB19 concert mapapanood na sa sinehan
- Sanggol patay nang gumapang at mahulog sa irigasyon
- Bagong silang na sanggol inabandona sa ibabaw ng septic tank
- 19 arestado sa paglabag sa election gun ban sa BARMM

