Mabilis na kumilos ang pamahalaang lungsod ng Malolos, Bulacan para sa kaligtasan ng mga kabataan matapos ang malagim na pamamaril sa isang high school sa Tacloban City kung saan tatlong estudyante ang nasawi.
Sinimulan na ang pamamahagi ng mga hand-held metal detector sa mga pampublikong paaralan sa lungsod nitong Huwebes, Hunyo 25 bilang bahagi ng mas pinalakas na seguridad sa mga campus.
Sa direktiba ni Mayor Christian Natividad, nagsagawa ng emergency purchase ang lokal na pamahalaan ng kabuuang 120 metal detectors na ikakalat sa halos 60 pampublikong elementarya at high school sa lungsod.
Inuna sa unang batch ng distribusyon ang mga dambuhala at siksik sa estudyanteng paaralan, kabilang ang Marcelo H. Del Pilar National High School na may halos 7,600 na mag-aaral.
Binigyang-diin ni Malolos City Chief of Police PLt. Col. Rommel Geneblazo ang papel ng metal detectors bilang karagdagang seguridad upang maiwasan ang pagpasok ng mapanganib na kagamitan sa paaralan.
Sasailalim din sa pagsasanay ang mga security guard para sa wastong paggamit nito, habang magtatalaga ng dalawang pulis sa bawat paaralan sa Malolos bilang dagdag na proteksiyon.
Trending
- Gonzales, ‘bituin na patuloy na bubuo’ ang batang guard ng NLEX — Alapag
- Padel Pilipinas naghahanda na para sa Asian Games
- Raymart, ibinida ang bonding kasama si Santino
- Kelvin, muntik nang manakit, di pa napapatawad ang nakabangga sa ama
- Jeric, may reax sa pagdodoktor ni Rabiya
- Estudyanteng binully natagapuang patay sa ilog
- Mister kulong ng tanggihan ni misis bumembang
- 14-anyos, sexslave ng ama simula 4-anyos pa lang

