Ipinahayag ni Health Secretary Ted Herbosa na gagawin ang Medical fair sa DOH Gym sa Maynila at magbibigay ng libreng serbisyong pangkalusugan, gamot, at mga pangunahing pangangailangan para sa mga drivers.
Inaasahan na makikinabang ang mga jeepney, tricycle, at TNVS drivers sa Maynila mula sa inisyatibang ito.
Paliwanag ni Herbosa, layunin ng programa na mabawasan ang pasanin ng mga transport workers na patuloy na nakakaranas ng mga hamon sa ekonomiya at kalusugan.
Ang one-day fair ay magkakaroon ng iba’t ibang service booths kung saan maaaring magpa-checkup, magpa-test, at kumuha ng libreng gamot ang mga drivers.
Bukod dito, makikipagtulungan din ang DOH sa iba pang partners upang palawakin ang tulong, kabilang ang pag-set up ng KADIWA outlet para sa abot-kayang bilihin at pamimigay ng libreng pagkain ng mga non-government organizations.
Dagdag pa ni Herbosa, layunin din ng aktibidad na mabawasan ang stress ng mga drivers. Bagamat inaayos pa ang mga detalye, sinabi niya na ang Abril 16 na aktibidad ay maaaring magsilbing pilot program para sa mga kahalintulad na inisyatiba sa ibang rehiyon.
Binibigyang-diin ng DOH na ang pagtutok sa mga drivers ay bahagi ng mas malawak na layunin na tulungan ang mga sektor na pinaka-apektado.
Ang medical fair sa Abril 16 ay isa sa mga targeted efforts ng DOH upang dalhin ang mga serbisyo malapit sa mga manggagawang madalas limitado ang access sa healthcare dahil sa kanilang kabuhayan.
Trending
- Cebu host ng Asian Beach Games sa 2028
- Thunder tinalo ang Suns
- Bea isinasangkot sa reklamo?
- Lovi, ‘di papasukin ang pulitika
- Toni, tinabla si PBBM para kumandidato
- Labor groups, nanawagan ng mas mataas na sahod, mas mababang buwis
- Zaldy Co may aplikasyon sa asylum sa France
- Mas mahigpit na batas vs online sexual abuse

