Wala munang balak si McCoy de Leon na magkaroon ng bagong karelasyon matapos ang hiwalayan nila ni Elisse Joson mahigit isang taon na ang nakalipas.
Sa ngayon, mas nakatuon daw ang aktor sa mga bagay na makatutulong para maging maayos at stable ang kinabukasan ng kanyang pamilya, lalo na ang anak nilang si Felize.
“Naku, ang layo (ng love life). Parang wala (sa top three) kasi ang dami ko ngang gusto,” sey ni McCoy sa isang panayam.
Ayon sa aktor, mas pinipili niyang magpakasipag muna sa trabaho dahil gusto niyang mabigyan ng mas magandang buhay ang kanyang pamilya.
“Gusto ko maging stable hindi lang ako. Gusto ko maging stable ‘yung anak ko at ‘yung family ko. Gusto ko sila ‘yung makapag-relax na. Kaya ako nagwo-work hard at dinidiskartehan ‘yung mga trabaho ko ngayon,” pahayag niya.
Bukod sa financial stability, malaking priority rin ni McCoy ang kanyang kalusugan para manatili siyang malakas at makapagpatuloy sa pagtatrabaho.
“‘Yun lang ang priority sa akin at ‘yung alagaan rin ‘yung health ko. Kasi ang hirap magkasakit, ‘di ba? Kasi dati wala kang pakialam eh. Ngayon makikita mo na worth it na alagaan talaga katawan ko. Gusto ko lang maging stable lahat ng mahal ko sa buhay,” aniya.
Hindi rin daw siya interesado sa pagbili ng mga materyal na bagay para sa sarili dahil mas inuuna niya ang pangangailangan ng kanyang anak.
“Ano lang, sustento lang po. ‘Yung maging sure na maganda ang future ng anak ko. Na pagdating ng future na panahon andito lang ako para sa kanya. ‘Yun lang talaga gusto ko,” saad ni McCoy.
Matatandaang opisyal na kinumpirma nina McCoy at Elisse ang kanilang hiwalayan noong July 2025.
Sa ngayon, patuloy silang nakikipag-co-parenting para sa kanilang nag-iisang anak na si Felize.
=====
Trending
- Sibilyan empleyado ng SulKud PNP patay sa ambush
- Sekyu ‘di pinasweldo, hinostage ang menor kapitbahay
- 15 guro nasagip sa rumaragasang ilog
- Pulis putol kamay sa taga ng baliw
- Mag-asawa at anak natagpuang patay sa loob ng bahay
- Janine Gutierrez umaming niloko ng boylet
- Topacio at Ogei bati na
- Netizens kinulit si Pia

