Mabait din si Maricel Soriano sa likod ng kanyang mataray na image na matagal nang ikinakabit sa Diamond Star.
Kitang-kita ito sa premiere night ng “Life After You” sa SM Megamall nang hindi niya dedmahin ang mga fan na naglaan ng oras para makita at suportahan siya.
Sa halip na tuluy-tuloy lang sa red carpet, panay ang hinto ni Maricel para bumati sa kanyang supporters.
Pati nang nasa stage na siya, nakipagkuwentuhan pa ang aktres sa ilang fans na nasa gilid.
Ganito rin ang ipinakita niyang pakikitungo sa entertainment press.
Kapag may nakikita siyang kakilala, siya mismo ang lumalapit para bumati at makipagtsikahan.
Samantala, hindi lang ang pagiging approachable ni Maricel ang napansin sa premiere.
Marami rin sa mga nakapanood ng “Life After You” ang pumuri sa kanyang pagganap at sa husay niyang ipinamalas sa pelikula.
Mapapanood na ngayong Miyerkoles sa mga sinehan ang “Life After You,” mula sa Viva Films.
=====
Trending
- Thai fans kinuwestiyon PVL awards matapos magkampeon ang EST Cola
- Gilas Pilipinas durog sa Bahrain sa 2026 Asian Games campaign opener
- Maricel Soriano mabait kahit mataray
- Lotlot de Leon bilib sa pag-aalaga ni Jericho Rosales kay Janine
- Vilma Santos ‘di pinalad maging National Artist
- Protesta sa harap ng DOLE, nauwi sa komosyon
- 2 Pulis, 3 pa arestado sa kotong sa mga aplikante ng PNP
- Singil sa kuryente, bahagyang bababa ngayong Setyembre

