Tumangging maghain ng plea si Senador Rodante Marcoleta nitong Lunes, Agosto 3, sa arraignment ng isa sa tatlong kasong kinahaharap niya kaugnay ng umano’y paglabag sa Presidential Decree (PD) No. 46.
Inihayag ni Moises Tolentino Jr., abogado ni Marcoleta, sa Sandiganbayan First Division na tumanggi ang senador na maghain ng plea dahil sa mga petisyon na nakabinbin sa Korte Suprema.
Dahil dito, ang Sandiganbayan na ang nagpasok ng “not guilty” plea para kay Marcoleta.Samantala, naghain naman ng “not guilty” plea ang kapwa akusado niyang si Aristotle Viray.
Humaharap si Marcoleta sa tatlong bilang ng paglabag sa PD No. 46, na nagbabawal sa mga opisyal ng gobyerno na tumanggap ng anumang regalo, kaugnay ng umano’y P75 milyong campaign donation na hindi niya idineklara noong 2025 midterm elections. 

Share.