Inaresto na ng mga elemento ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sina Sen. Rodante Marcoleta at 2 kapwa akusado nang maglabas ng warrant of arrest sa kasong plunder ng Sandiganbayan nitong Lunes ng umaga.
Ayon kay Interior and Local Government Sec Jonvic Remulla, 10:30 ng umaga nang maglabas ng warrant of Arrest sa kasong plunder kaugnay ng hindi pagdedeklarang ng P75 million donasyon sa isinagawang National at Local Election noong 2025 laban kina Marcoleta at tatlong akasado sina dating Anak Kalusugan Rep. Mike Defensor, negosynate Jospeh Espirutu at Aristole Viray.
Sa ilalim ng Anti-Plunder Act, maaaring kasuhan ang isang public official kung mapatutunayang nakaipon ito ng hindi bababa sa P50 milyon na umano’y ill-gotten wealth.
Sinabi ni Remulla na inaresto si Marcoleta ng mga elemento ng CIDG nang matungo ito sa Sandiganbayan para mag-file ng motion noong dineny ang motion to quash ni-lockdown na ang Sandiganbayan at hindi na pinalabas si Marcoleta.
Sinabi ni Associate Justice Karl Miranda na ibinasura ang mga mosyon matapos matukoy ng korte na may probable cause sa kasong plunder. Ikukulong ang mga respondent sa Quezon City Jail sa Payatas, kung saan kasalukuyang nakakulong sina Senator Jinggoy Estrada at former Senator Ramon Bong Revilla Jr.
Binigyan din ng korte ang prosekusyon ng tatlong araw para magsumite ng komento sa mga mosyon nina Marcoleta, Defensor, at Espiritu na humihiling na ibasura ang information na nagsasakdal sa kanila ng plunder.
“Alam kong unang tanong niyo was he arrested or did he surrender. It was both. He went there voluntarily sa Sandiganbayan to file a motion to quash. Subsequently when it was denied we closed down the building, we arrived and we arrested him so it is both,” pahayag ni Remulla.
Aniya, dinala si Marcolote sa Camp Crame para sumailalim sa booking procedure tulad mugshoot at medical procedure bago ilipat sa Payatas City Jail sa Quezon City.
“He is now undergoing medical procedures, 72 na po si Sen. Marcoleta, hindi lang po simple blood pressure at heart beat ang kailangan gawin sa kanya. Marami pa po siyang test na pagdadaanan katulad ng mga ECG at iba pa para sigurado ang kanyang fitness. Hindi namin alam kung kailan matatapos ‘yun but hopefully within the next 2 days tapos na ang lahat ang kanyang examination para sa full health na ire-report namin sa Sandiganbayan. Bigyan ninyo kami ng oras para makuha ang full picture ng kanyang kalusugan,” pahayag ni Remulla.
“Yung mugshot niya po ilalabas sa ilang sandali lang at marami pa po kasing pagdadaanan. I must remind everyone we are not here to humiliate anyone. kung anuman ang kanyang kalagayan sa kanyang buhok ay hindi ho namin wawalanghiyain. His picture will be taken as he appears in public,” ani ni Remulla.
Kaugnay nito, sinabi ni Remulla na sina Mike Defensor at Joseph Espiritu inaresto ng mga elemento ng CIDG habang nagkakape sa Starbucks sa Quezon City at kung saan isilbi ang warrant of arrest.
Dinala sina Defensor at Espiritu sa CIDG sa Camp Crame kung saan sumailalim sa booking procedure tulad mugshoot at medical procedure bago ilipat sa Payatas City Jail. Kapwa naman dadalhin sina Defensor at Espiritu sa Payatas City Jail sa Quezon City kung saan ito ikukulong habang dinidinig ang kanilang mga kaso.
Habang patuloy naman ang isinasagawang manhunt operation ng mga otoridad laban kay Viray.
Nilinaw naman ni Atty. Patrick Velez, ang abogado ni Marcoleta, na boluntaryo umanong sumuko si Senador Rodante Marcoleta nang maglabas ng warrant of arrest kaugnay ng kasong plunder, at hindi inaresto ng mga awtoridad.
Ayon sa abogado ni Marcoleta, sumuko bilang “act of good faith” ang senador dahil nasa bisinidad na ito ng Sandiganbayan nang ilabas ang arrest order.
Trending
- Marcoleta, pinagpapaliwanag ng Sandigan
- Education crisis dapat bigyang prayoridad
- Mas mabigat na parusa sa ospital
- Senior high timbig sa pagpo-post sa socmed ng banta vs guro, estudyante
- Tour guide sibak sa harassment sa hiker
- Delivery rider huli sa P1M shabu
- Ilang bahagi ng Davao lubog sa baha
- Lalaki namemeke ng birth certificate, timbog

