Nasawi ang 75-anyos na manghihilot nang pagsasaksakin sa loob ng kanyang tahanan sa Barangay Coronon, Sta. Cruz, Davao del Sur.
Kinilala ang biktima na si “Lola Aling” o “Nanay Lina”, na matagal na umanong kilala sa kanilang komunidad at mga kalapit na barangay bilang manghihilot.
Ayon sa ulat ng Sta. Cruz Municipal Police Station, nangyari ang pananaksak 11:30 ng gabi noong Abril 3 sa tahanan ng biktima sa Sitio Langan, Purok Cadena de Amor.
Ang suspek, na kinilalang si Jonathan Bringgas, alyas “Malot” at “Atan”, nagtungo umano sa bahay ni Lola Aling upang magpahilot.
Ayon sa apo ng biktima na si “Abby”, lumabas siya sandali upang bumili at nakita ang suspek na papunta sa kanilang bahay. Pagbalik niya wala na ang suspek, nguni’t ilang sandali lang natagpuan niya ang kanyang lola na nakahandusay, duguan, at maraming saksak sa leeg, braso, at katawan.
Nagsasagawa na ang pulisya ng manhunt laban sa suspek, na pinaniniwalaang lasing sa oras ng krimen at agad na tumakas. Nanawagan din sila sa publiko na magbigay ng anumang impormasyon na makatutulong sa kanyang pag-aresto.
Patuloy ang imbestigasyon upang tukuyin ang motibo ng krimen, nguni’t ayon sa paunang impormasyon, maaaring nagmula ito sa biglaang galit ng salarin.
Nagpahayag ng sama ng loob at panawagan para sa agarang hustisya ang mga residente at lokal na opisyal, gamit ang panawagang “Justice for Lola Aling”.
Trending
- Kaila Estrada, Daniel Padilla wapakels pa rin sa mga viral photo na magkasama
- Julia Barretto aminadong nakadama ng pressure sa pagiging Barretto
- Ogie Alcasid ‘napikon’ kay Vice Ganda
- Higit P3.7m ilegal na gamot nasabat sa Lucena City
- Ammonia, tumagas sa ice plant sa Caloocan: 10 naospital, 90 inilikas
- 100 puno inatake ng peste
- Bagong laya todas, Pulis sugatan sa engkuentro sa Pasay
- 8 lugar tutustahin ng malaimpyernong damang-init

