Opisyal nang inilunsad ng boxing icon at dating senador na si Manny Pacquiao ang Maharlika Pilipinas Pickleball Tour (MPPT).
Isa itong bagong pambansang liga ng pickleball na naglalayong palawakin ang kasikatan ng sport at hasain ang kakayahan ng mga atletang Pilipino.
Nakatakdang idaos ang unang yugto ng limang leg na torneo sa Oktubre 3 at 4 sa Angeles City, Pampanga.
Magtatagisan ang 12 founding teams mula sa Luzon, Metro Manila, Visayas at Mindanao para sa kampeonato at mahahalagang ranking points.
May basbas ng Games and Amusement Board (GAB) ang MPPT at inaasahang magsisilbing daan upang higit pang mapaunlad ang pickleball sa bansa at makapagbigay ng mas maraming oportunidad sa mga lokal na manlalaro.
Ayon kay MPPT Chief Executive Officer Joe Ramos, tatanggap ng P1 milyon ang kampeon sa bawat yugto ng torneo.
Kabilang sa mga koponang sasabak sa torneo ang mga kumakatawan sa Pampanga, Abra, Batangas, Bangued, Muntinlupa, Alfonso at Bacoor sa Cavite, Camarines Norte, Rizal, Parañaque, Tacloban at General Santos City.
Bubuuin ang bawat koponan ng tatlong lalaki at tatlong babae na lalahok sa men’s doubles, women’s doubles at mixed doubles sa bawat kompetisyon.
Matapos ang unang leg sa Oktubre, magkakaroon pa ng dalawang yugto sa Nobyembre bago ang championship finale sa Disyembre, kung saan magtatapat ang walong koponang may pinakamataas na puntos upang pag-agawan ang kauna-unahang titulo ng MPPT.
=====
Trending
- Gonzales, ‘bituin na patuloy na bubuo’ ang batang guard ng NLEX — Alapag
- Padel Pilipinas naghahanda na para sa Asian Games
- Raymart, ibinida ang bonding kasama si Santino
- Kelvin, muntik nang manakit, di pa napapatawad ang nakabangga sa ama
- Jeric, may reax sa pagdodoktor ni Rabiya
- Estudyanteng binully natagapuang patay sa ilog
- Mister kulong ng tanggihan ni misis bumembang
- 14-anyos, sexslave ng ama simula 4-anyos pa lang

