Karumal-dumal ang sinapit ng mag-asawang senior citizens at kanilang apat na taong gulang na apo nang matadtad ng bala nang pagbabarilin ng mga armadong kalalakihan ang kanilang munting tahanan, sa Brgy. Daine 1, bayan ng Indang, Cavite .
Kinilala lang ang mga biktima sa mga alyas na Franco, 63-anyos, misis niyang si Juanita, 62, at isang kuwatro-anyos na bata.
Sa ulat ng Indang Police, nang makarinig ng sunud- sunod na putok ng baril ang ilang residente mula sa direksiyon ng tirahan ng mga biktima. Agad silang humingi ng tulong sa mga opisyal ng kanilang barangay at itinawag sa pulisya.
Sa pagsisiyasat ng pulisya, nadatnan nila sa loob ng maliit na bahay na gawa sa kahoy ang tatlong biktima na nakabulagta at duguan. Agad silang dinala sa pagamutan, pero kalaunan idineklarang mga patay habang nilalapatan ng lunas.
Samantala, mabilis na naaresto ang dalawang suspek sa krimen sa isinagawang follow-up operation ng pulisya.
Kinilala ang mga suspek sa mga alyas na Alex, 36-anyos; at Kulot, 25-anyos, na kapwa sinampahan ng kasong multiple na pagpaslang at walang inirekomendang piyansa.
Batay sa nakalap na impormasyon, isa pa umanong suspek ang pinaghahanap ng pulisya habang nagpapatuloy ang follow-up operation at case build-up para tuluyang matukoy ang lahat ng sangkot sa krimen gayundin sa posibleng motibo ng krimen.
Trending
- Carlos Alcaraz, umusad na sa Quarter-finals ng US Open
- Pilipinas napiling maghost ng last window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers
- Janine prinsesa ni Jericho
- Ryan Bang, Max Collins grabe mukbang-an
- Awra Briguela nagulat sa pagkakahawig kay Kendra Kramer
- Water bills lolobo
- 26 estudyante nasawi sa sunog at stampede sa 2 iskul sa DR Congo
- Sarangani niyanig ng 3.9 magnitude na lindol

