Nasawi ang mag-asawa nang pagbabarilin ng kanilang kapitbahay sa Caloocan City, Linggo ng hapon, Abril 6.
Kinilala ang mga nasawi na isang 45-anyos na mister; at 50-anyos niyang misis.
Sa ulat, nag-ugat ang pamamaril ng salarin sa mainitang pakikipagtalo sa mga biktima hinggil sa bahagi ng lupa na nasakop sa katabing bakod na sobra sa nakasaad sa titulo o tinatawag na excess lot 2:45 ng hapon sa Brgy. 167 Llano Road, North Caloocan.
Matapos ang pamamaril, tumakas ang salarin habang agad namang iniutos ni Northern Police District (NPD) Acting Director P/BGen. Christopher Dela Cruz ang pag-activate sa Deployment and Location Cross Innovation (DLX) na naging daan upang matukoy ng pulisya ang mga dinaanang lugar ng salarin sa kanyang pagtakas.
Sa isinagawang malawakang pagtugis at dragnet operation, nasukol ng mga tauhan ni Caloocan Police Chief P/Col. Joey Goforth ang tumatakas na salarin habang sakay ng itim na Yamaha N-Max motorcycle sa bisinidad ng Barangay 167.
Nakumpiska sa salarin ang isang kalibre .45 pistola at dalawang magazine na kargado ng mga bala.
Mahaharap sa dalawang bilang na kasong murder at paglabag sa R.A 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act ang 64-anyos na salarin.
Trending
- Kaila Estrada, Daniel Padilla wapakels pa rin sa mga viral photo na magkasama
- Julia Barretto aminadong nakadama ng pressure sa pagiging Barretto
- Ogie Alcasid ‘napikon’ kay Vice Ganda
- Higit P3.7m ilegal na gamot nasabat sa Lucena City
- Ammonia, tumagas sa ice plant sa Caloocan: 10 naospital, 90 inilikas
- 100 puno inatake ng peste
- Bagong laya todas, Pulis sugatan sa engkuentro sa Pasay
- 8 lugar tutustahin ng malaimpyernong damang-init

