Ikinuwento ng testigong si Ramil Madriaga ang ugnayan nito kina dating Pangulong Rodrigo Duterte at Vice President Sara Duterte, upang patunayan na malapit sila sa isa’t-isa.
Sa pagharap ni Madriaga sa impeachment hearing ng House Committee on Justice nitong Martes, sinabi ni Madriaga na noong 2018, pumunta siya sa bahay ng mga Duterte sa Taal St., Bangkal, Davao City.
Doon umano ibinilin sa kanya ng dating Pangulo na tulungan si Sara na noon tatakbo sa reelection bilang mayor ng Davao City.
“During this meeting, PRRD introduced me to Sara and told me ‘Ram, ikaw na bahala kay Inday,’” sabi ni Madriaga sa kanyang sworn supplemental affidavit na binasa nito sa pagdinig.
“Since then, I have frequently met and discussed with Sara regarding various matters,” dagdag pa nito.
Sinabihan din umano siya ni Sara Duterte na iwasan ang palitan ng text at kung posible magtawagan na lang sila.
Ayon kay Madriaga, nagtrabaho siya kay dating Parañaque City Rep. Roilo Golez bilang isang political officer na ang trabaho kumuha ng intelligence information at sabotage operation.
Nang magdesisyon umano si Golez na suportahan si Rodrigo Duterte sa pagtakbo nito sa pagkapangulo kaya nakilala nito ang dating Pangulo.
Nang manalo si Rodrigo Duterte, sinabi ni Madriaga na ginawa siyang counter-intelligence agent ng National Security Council pero hindi umano siya pormal na pumasok bilang kawani ng anumang ahensya at binibigyan ng P100,000 hanggang P150,000 kada buwan ng isang Canlas, na dating pulis na nakatalaga sa Davao.
Kasama umano sa kanyang trabaho ang manmanan si dating Sen. Antonio Trillanes IV. Nagdadalawang-isip umano si dating Pangulong Duterte na ipapatay si Trillanes dahil sa military connections nito.
Ipina-profile din umano sa kanya ng dating Pangulo ang mga taong nakapaligid kay Sara Duterte na gusto niyang pumalit sa kanya.
“PRRD wanted Sara in politics instead of Paolo Duterte and Sebastian Duterte, who he characterized as ‘baliw’ and ‘bading,’ respectively,” sabi ni Madriaga.
Noong 2020, inatasan umano siya ni dating Pangulong Duterte at Sara Duterte na tumulong sa pagtatayo ng Initiative for Social Justice, Innovation, and Progress Pilipinas (ISIP Pilipinas) Inc.
“But to us supporters of Sara, ISIP actually stands for ‘Inday Sara is My President,’” sabi ni Madriaga.
Malaking halaga umano ng pera ang ipinasok para sa operasyon ng ISIP gaya ng P175 milyon na mula umano kay Lin Wei Xiong, na kinalaunan nalaman nitong Financial Officer ng Pharmally Pharmaceuticals, at P100 milyon mula kay Maestrado Lim na tinatawag din umanong “Tanda.”
Kinalaunan, nagdesisyon umano si Sara Duterte na tumakbong bise presidente ni Ferdinand Marcos Jr.
Trending
- ‘Di ako takot sa Trump admin – Pope Leo
- Brgy. officials sa ikatlong termino, disqualified na sa BSKE 2026
- BSKE budget realignment sa fuel crisis, ‘unconstitutional’
- DOF: Pagsuspinde ng excise tax ng gasolina at diesel, halos wa-epek din
- Mas mabilis na pagkuha ng permit, inilunsad ng DENR sa Maynila
- Dark-colored shirts, pinakamabisang proteksiyon kontra UV rays — pag-aaral
- Higit 3.9M nagparehistro sa BSKE 2026
- 6-buwang ‘salary donation’ ng mga kongresista vs oil crisis, isinusulong

