Maglalabas ng show cause order ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) laban sa Transport Network Vehicle Service (TNVS) driver na nagawang mambastos umano sa aktres na si Xyriel Manabat.
Matapos ito ng kamakailang naging viral post ng TNVS driver sa kaniyang Facebook page na may pangalang “Boss Toyo Mansi” tungkol sa larawan niya kasama si Xyriel.
“Ang laki ng bata na ’yan,” mababasa sa caption ng lalaki.
Bukod dito, kapansin-pansin din ang iniwang malaswang komento ng driver sa sarili niyang post.
“jak*l,” saad niya.
Dahil sa pagputok sa social media ng post ng nasabing driver, nagawang tanungin kamakailan ng media si Xyriel tungkol dito.
Ani Xyriel, hindi umano agad niya nakita noon ang post ng sinakyang TNVS dahil abala siya sa kaniyang trabaho ngunit idiniin niyang hindi raw niya palalampasin ang malaswang pahayag ng driver tungkol sa kaniya.
“Hindi ko ’yan papalampasin. Hindi dapat gawing entertainment ’yan in any form. I hope the platform or app will do something about this. It is not petty,” anang aktres.
Dagdag pa niya, “Sobrang nagulat ako. Papunta lang ako ng work niyan — imagine gaano kahirap buhay ng babae. Nag-work ka lang, nagpa-pic lang — you are being kind, you are being a decent human being, you get this in return.”
“It is never about the piece of clothing? Naka pang-work ako. Maayos ako nakipag-usap. Nag-tip pa ako. I hope your mom, family, sister, wife, daughter, makita nila ‘to. Makitang ganyan ka na tao.”
Ayon naman sa naging pahayag ng LTFRB sa isinagawa nilang press conference nitong Biyernes, Abril 10, 2026, sinabi nilang maglalabas sila ng show cause order sa naturang driver.
“Bukod po doon sa pagsuspinde ng PNP, ang LTFRB [ay]maglalabas din ng show cause order laban po dito sa driver na ito,” saad nila.
Pagpapatuloy pa ng LTFRB, natukoy na raw nila ang pagkakakilanlan ng TNVS driver at operator nito kaya titiyakin daw nilang makakapaglabas sila ng show cause order ngayon ding araw ng Biyernes.
“Na-identify na po natin kung sino ‘yong driver, kung sino po ‘yong operator and within the day we will issue the necessary show cause order,” pagtatapos pa nila.
Samantala, habang sinusulat ito, hindi naman accessible o hindi na maaaring makita at mabuksan ang Facebook page ng nasabing TNVS driver.
Wala pa ring inilalabas na direktang pahayag, tugon, o reaksyon si Manabat kaugnay sa magiging aksyon ng LTFRB.
Trending
- Kaila Estrada, Daniel Padilla wapakels pa rin sa mga viral photo na magkasama
- Julia Barretto aminadong nakadama ng pressure sa pagiging Barretto
- Ogie Alcasid ‘napikon’ kay Vice Ganda
- Higit P3.7m ilegal na gamot nasabat sa Lucena City
- Ammonia, tumagas sa ice plant sa Caloocan: 10 naospital, 90 inilikas
- 100 puno inatake ng peste
- Bagong laya todas, Pulis sugatan sa engkuentro sa Pasay
- 8 lugar tutustahin ng malaimpyernong damang-init

