Isa sa mga pangarap ngayon ni Lovi Poe ang muling mabigyang-buhay ang ilan sa mga iconic na proyekto ng kanyang amang si Fernando Poe Jr. o FPJ.
Sa kanyang pormal na paglipat sa Star Magic ng ABS-CBN noong Martes, ibinahagi ng aktres na bukas siya sa paggawa ng remake ng ilan sa mga pelikulang pinasikat ng tinaguriang King of Philippine Movies.
Bagama’t hindi niya tinukoy kung anu-anong titulo ang nais niyang gawin, aminado siyang espesyal sa kanya ang mga proyektong iniwan ng kanyang ama.
Kasabay nito, bumisita rin si Lovi sa FPJ Studio sa San Francisco del Monte, Quezon City, kung saan nag-shoot siya ng ilang larawan at video para sa kanyang social media accounts.
Naging emosyonal din para sa ilang fans ang kanyang pagdalaw sa studio na itinayo ng yumaong action superstar.
Dahil sa kanyang pahayag, marami ang nagsimulang magbigay ng kani-kanilang suhestiyon kung aling mga pelikula ni FPJ ang bagay na muling isapelikula ni Lovi.
May ilan ding naniniwalang bagay sa aktres ang sumabak sa action genre bilang pagpupugay sa pamana ng kanyang ama.
=====
Trending
- Gonzales, ‘bituin na patuloy na bubuo’ ang batang guard ng NLEX — Alapag
- Padel Pilipinas naghahanda na para sa Asian Games
- Raymart, ibinida ang bonding kasama si Santino
- Kelvin, muntik nang manakit, di pa napapatawad ang nakabangga sa ama
- Jeric, may reax sa pagdodoktor ni Rabiya
- Estudyanteng binully natagapuang patay sa ilog
- Mister kulong ng tanggihan ni misis bumembang
- 14-anyos, sexslave ng ama simula 4-anyos pa lang

