Hindi na bago para kay Lotlot de Leon na makitang maalaga si Jericho Rosales sa anak niyang si Janine Gutierrez dahil personal na niyang nasasaksihan kung paano tratuhin ng aktor ang kanyang girlfriend.
Naitanong kay Lotlot ang tungkol sa viral video nina Jericho at Janine sa Los Angeles, California, kung saan binuhat ng aktor ang girlfriend para hindi ito mabasa habang tumatawid sa basang bahagi ng kalsada sa gitna ng ulan.
“Hindi na kasi bago ‘yon dahil nakikita ko naman how they are and how he is with his family, kay Janine, lalo na. Nakikita ko how he takes care of Janine, so hindi na siya bago,” pahayag ni Lotlot sa isang video interview.
Para sa aktres, natural na bahagi na ng personalidad ni Jericho ang pagiging maalaga kaya hindi siya nagulat sa eksenang ikinatuwa at ikinilig ng maraming netizens.
“So, he’s that kind of man. That’s how he is as a person,” dagdag niya.
Nang tanungin naman kung kinilig din siya bilang ina sa ginawa ni Jericho, aminado si Lotlot na masaya siyang nakikitang minamahal at inaalagaan nang maayos ang kanyang anak.
“Siyempre, nakakatuwa na nakikita na talagang inaalagaan ang anak ko at mahal siya. So,nakakatuwa,” ani Lotlot.
Nasa Los Angeles sina Jericho at Janine para sa Manila International Film F
Trending
- Thai fans kinuwestiyon PVL awards matapos magkampeon ang EST Cola
- Gilas Pilipinas durog sa Bahrain sa 2026 Asian Games campaign opener
- Maricel Soriano mabait kahit mataray
- Lotlot de Leon bilib sa pag-aalaga ni Jericho Rosales kay Janine
- Vilma Santos ‘di pinalad maging National Artist
- Protesta sa harap ng DOLE, nauwi sa komosyon
- 2 Pulis, 3 pa arestado sa kotong sa mga aplikante ng PNP
- Singil sa kuryente, bahagyang bababa ngayong Setyembre

