Ang inakala ng 64-taong gulang na lola na simpleng biro ay pagsisisihan niya pala sa huli.
Pumunta ang lola sa isang mall sa Laoag City para sana makapag-relax pero dahil sa biro niya sa security guard ay sa presinto siya dinala.
Sa imbestigasyon ng pulisya, pagdaan ng senior citizen sa routine inspection ng lady guard, sinabi umano ng 64-anyos na maraming laman na bomba ang kanyang bag, bagay na ikinaalarma ng guwardya kaya agad itong ipinaalam sa mall security at pulisya.
Pero nagbibiro lamang umano ang senior citizen at walang laman na bomba ang kanyang bag kundi mga personal na gamit lamang.
Dinala siya sa police station at sinampahan ng reklamong paglabag sa PD 1727 (Anti-Bomb Joke Law).
Muling nagbabala ang pulisya na huwag gawing biro ang bomba na maaaring magdulot ng pagkaalarma at takot.
Trending
- Eala dapa kay Anisimova; akyat sa WTA No. 17 ranking
- Baterbonia, Adili inalala bago ang tapatan ng Ateneo Blue Eagles, Fatima Phoenix
- Michael V, may tribute kay Alex Eala
- Ina ni Awra, may breast cancer
- Priscilla, planong bumalik sa showbiz
- Kelot kumakatay at nagbebenta ng aso, arestado
- 3 sangkot sa pananaksak at ikinasawi ng estudyante
- Makapal, masangsang na likido kumalat sa baybayin ng Batangas

