Kung may isang ugali ang Pinoy na hindi swak sa panlasa ni Liza Soberano, ito ay ang ‘utang na loob’.
Sa Instagram reel na ibinahagi ng BuzzFeed Oz at naka-post na rin sa Reddit, tinanong si Liza kung ano ang Filipino social rule na hindi na dapat ipagpatuloy.
Dito ay sinabi ng aktres na ‘utang na loob’.
“Sorry, I get triggered with that one,” ani Liza.
Paliwanag ni Liza, ang utang na loob ay hindi dapat ituring na panghabambuhay na utang na dapat bayaran.
“It shouldn’t be considered a lifetime debt that you have to repay those who have helped you,” sey ni Liza.
Bagama’t importante aniya na kilalanin ang naitulong sa iyo ng mga tao ay hindi naman dapat maging obligasyon.
“And I feel like people should learn to just help out of the kindness of their heart without expecting anything in return,” dagdag pa ni Liza.
Samu’t saring komento naman ang inani nito sa mga netizen:
“Habang tumatagal, narrealize natin madaming ugali ng pinoy pala ang toxic hahahaha.”
“pag nasa ibang bansa ka, mare-realize mo, yang utang na loob, wala sila niyan.”
“Iinit na naman ulo ni Mama Ogs and supporters hahaha.”
“Magagalit naman ulit mga tita at tito followers ni Nanay Yulo.”
“Hindi naman siya sinisingil ng utang na loob. It was how she burnt bridges ang hindi okay.”

Share.