Hindi maitago ni Liza Soberano ang excitement sa kanyang pagbabalik sa Pilipinas ngayong linggo para sa promotional activities ng bago niyang Hollywood animated film na “Forgotten Island.”
Sa kanyang Instagram Story, personal na inimbitahan ng aktres ang kanyang mga tagahanga na makiisa sa kick-off event ng pelikula sa SM Mall of Asia sa Agosto 25.
“I’m so excited to be back home sharing this incredibly beautiful movie with my favorite people in the whole wide world!!!” saad ni Liza.
Makakasama ng aktres sa nasabing event ang Fil-Am Grammy at Oscar Award-winning singer na si H.E.R. at iba pang miyembro ng cast ng DreamWorks project.
Patuloy namang umaani ng atensyon ang “Forgotten Island” dahil sa malaking produksyon nito at sa inaabangang soundtrack.
Dahil dito, todo-suporta rin si Liza sa promosyon ng pelikula na isa sa pinakamalalaking proyekto niya sa Hollywood sa kasalukuyan.
Samantala, muling naging aktibo ang mga LizQuen fans sa social media at nagpahayag ng pag-asang mapapanood din ng dating nobyo ni Liza na si Enrique Gil ang kanyang bagong pelikula.
Gayunman, ang mas ikinatutuwa ng supporters ng aktres ay ang pagkakataong maibahagi niya mismo sa mga Pilipino ang proyektong ipinagmamalaki niya sa international scene.
=====
Trending
- Faith healer patay sa saksak habang tulog
- 2 patay, 4 sugatan sa salpukan ng SUV at trak
- Estudyante sa Iloilo pinagagamit na ng transparent bag
- 4 patay sa sunog sa Pasay
- Ipinao-overhaul ang MMDA para sa trapiko, baha, basura
- Panibagong bugso ng habagat, asahan sa susunod na linggo
- Brgy. tanod sa iskul, isinusulong bilang dagdag-seguridad!
- Sept. 14 : special non-working day sa BARMM

