Namataan ang kakaibang liwanag na tila hugis jellyfish sa iba’t-ibang lugar sa Pilipinas nitong Sabado ng gabi, Abril 11.
Ayon sa ulat, may mga nakitang ganitong liwanag sa mga bayan ng Pangasinan, Tarlac, Nueva Ecija at Zambales.
Mayroon din umanong mga nakakita nito sa mga bayan sa Palawan, Tawi-Tawi, Batanes at Antique.
Posible, ayon sa mga eksperto, na ang naturang liwanag ay mula sa naganap na rocket launch ng China sa kanilang Jielong-3 rocket.
Ang liwanag naman na nakita ay tinatawag na Space Jellyfish o Rocket Jellyfish na nakikita tuwing ang isang rocket ay pinapalipad sa panahon ng pagsikat o paglubog ng araw.
Trending
- Delos Santos nagwagi ng 3 ginto sa Asian weightlifting
- Rene Baterbonia merchandise ibinebenta sa P650 ang jersey, P350 ang keychain
- Fans, masaya sa pagbabalik ni Kris sa limelight!
- Dimples, kinulit sa advice para kay Bea
- Kier at anak na si Dani, magkasundo na
- Hagonoy, Bulacan isinailalim sa State of Calamity
- ASF kumalat na sa 5 barangay sa Bacolod
- 132 motorsiklo, na-impound sa Oplan Lambat-Bitag sa Kabacan

