Kaagad binawian ng buhay ang isang collector ng isang lending company nang paulanan ng bala ng hindi pa nakilalang mga salarin, noong Martes, Marso 24, sa bayan ng Columbio, Sultan Kudarat.
Kinilala ang nasawing biktima na si Froylan Dale Combate, at residente Koronadal City, South Cotabato.
Sa inisyal na imbestigasyon ng Columbio Municipal Police Station, galing sa pangongolekta ang biktima nang tambangan ito ng hindi pa kilalang mga suspek sa bahagi ng Sitio Dike, Barangay Mayo ng nabanggit na bayan.
Nagtamo ng tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan ang biktima na naging sanhi ng kanyang pagkasawi.
Naiulat din na tinangay pa ng mga salarin ang koleksiyon ng biktima bago tumakas.
Nagpapatuloy pa sa ngayon ang imbestigasyon ng Columbio PNP para sa pagkakakilanlan ng mga salarin.
Trending
- ‘Di ako takot sa Trump admin – Pope Leo
- Brgy. officials sa ikatlong termino, disqualified na sa BSKE 2026
- BSKE budget realignment sa fuel crisis, ‘unconstitutional’
- DOF: Pagsuspinde ng excise tax ng gasolina at diesel, halos wa-epek din
- Mas mabilis na pagkuha ng permit, inilunsad ng DENR sa Maynila
- Dark-colored shirts, pinakamabisang proteksiyon kontra UV rays — pag-aaral
- Higit 3.9M nagparehistro sa BSKE 2026
- 6-buwang ‘salary donation’ ng mga kongresista vs oil crisis, isinusulong

