Timbog ang isang lalaki nang iligal na nagpaihi o sumipsip ng P429,800 halaga ng krudo sa bayan ng Bustos noong Martes ng hapon Mayo 12.
Sa ulat kay PMGEN Robert AA Morico II, Director of CIDG, kinilala ang suspek na si alyas “Al”, nasa hustong gulang na umanoy sangkot sa “paihi” operation.
Ayon sa ulat, ikinasa ang operasyon ng CIDG Northern District Field Unit sa koordinasyon ng Department of Energy-Luzon Field Office bandang 3:45 ng hapon sa Brgy. Camachilihan, Bustos.
Nakumpiska sa operasyon ang 3 intermediate bulk container filles with diesel, 9 plastic drums filled with diesel, 7 metal drums filled with diesel, 31 plastoc containers filled with diesel at iba pang paraphernalia na gamit sa “paihi” operation na may halagang P429,800.00.
Pinuri ng liderato ng CIDG ang
mga nasabing yunit sa kanilang matagumpay na pagsugpo sa paihi operation sa petroleum products na lubhang delikado at posibleng lumikha ng pagsabog at sunog sa lugar.
Nahaharap ang suspek sa kaukulang kaso habang nasa kustodiya ng nasabing yunit.
Trending
- 4 arestado sa anti-illegal mining sa Surigao
- Ginang tinadtad ng saksak sa harapan ng anak ng kawatan
- Empleyado ng Cauayan Airport, huli sa bomb joke
- 17 ‘missing’, 45 nasagip sa lumubog ang barko ng Vietnam sa West Philippine Sea
- 4-anyos, patay; 7-anyos sugatan sa sunog sa Talisay
- 6 raliyista inaresto sa vandalism bago ang 5th SONA ni PBBM
- 3 na patay, higit 285,000 apektado kay Kiyapo
- Vico Sotto, ‘di pa rin tatakbo sa 2028

