Ipinahayag ni CALABARZON PRO 4A Regional Director P/Brigadier General Hansel M. Marantan, ang buong suporta sa isinasagawang imbestigasyon ng National Police Commission o NAPOLCOM kaugnay sa isinampang reklamong administratibo ng isang babaeng pulis laban sa mataas na opisyal ng Batangas Police Provincial Office.
Batay sa sinumpaang salaysay ng babaeng pulis sa opisina ni Napolcom Commissioner Rafael Vicente Calinisan, kanya umanong inireklamo si Batangas Police Provincial Director P/Colonel Marlon Ventura Rufo, dahil sa umanoy grave misconduct at unbecoming police officer kabilang ang híndi kanais-nais na paghawak at hindi angkop na pahayag na nangyari sa pagitan ng buwan ng February hanggang March 2026.
Dahil sa nasabing alegasyon agad umanong ipinag-utos ni General Marantan, ang imbistigasyon at isinangguni ang kaso sa Napolcom, na may hurisdiksyon na ngayon sa kaso.
Pansamantala munang inilagay sa kaukulang status ang inirereklamong opisyal habang nagpapatuloy ang imbestigasyon para mapanatili ang integridad ng proseso.
Nangako naman ang NAPOLCOM na idadaan sa due process ang kaso at paiiralin ang pagiging patas sa magkabilang panig, lalo na sa mga kasong may kinalaman sa kababaihan.Binigyang diin din ni Marantan na pananagutan nino man ang mapapatunayang paglabag, batay sa ebidensya at umiiral na batas at due process.
Sinusubukan makuha ang reaksyon ni Police Colonel Marlon V. Rufo, subali’t wala pang tugon ang nasabing opisyal para sa kanyang panig.

Share.