Bago sumailalim sa series of tests ay pinangangambahan ni Kris Aquino that her health condition could be worse.
Sa awa nga ng Diyos, idineklarang cancer-free ang Queen of All Media.
‘Yun nga lang, hindi tuluyang napawi ang kanyang pangamba dahil ayon mismo sa kanya, tatlo sa kanyang mga autoimmune disease ay life-threatening.
God forbid, maaari raw siyang ma-stroke o magka-cardiac arrest.
Worse, “babu” na nang tuluyan.
Dito na pumasok ang kuwento ni Kris tungkol sa naging tsikahan nila ni Bimby.
Pagbabahagi ni Kris: “Bimby told me, ‘Ma, until you do the biopsy, trust God that you’re cancer-free.
“Lola will make sure you’ll carry through.”
Si dating Pangulong Corazon City ang lolang tinutukoy ni Bimby.
Matatandaang Tita Cory succumbed to colon cancer.
Pero hindi ito ang ikinaloka ni Kris kundi…
“He said, ‘Uncle Noy is not excited about your ‘reunion’ coz he’s enjoying the peace and quiet in heaven’!”
Magugunitang renal disease at diabetes ang sanhi ng pagkamatay ni dating President Noynoy Aquino noong June 24, 2021.
Klaro ang implikasyon ni Bimby na mabubulabog lang daw ang katahimikan ng kanyang tiyuhin sa langit dahil sa kadaldalan ng ina
==
Trending
- P1.3-m Ismagel yosi nasamsam sa Sarangani
- Pekeng water delivery boy nagnakaw sa faculty room
- ASEAN police, bubuo ng task force vs online scam
- Ginang huli sa pagpapakalat ng bomb threat sa iskul
- Bahay ni Torre sa Davao pinasok ng baha
- P2.5m iligal na mantika nasamsam sa Batangas
- Babaeng manager patay sa ambush
- Patrolman, arestado sa panggagahasa ng 14-anyos

