Halatang ngayon pa lang talaga nae-expose sa mga galawan sa showbiz si Kobe Paras.
Dahil hindi naman talaga showbiz although he was born to parents Benjie and Jackie Forster, obyus na de numero ang kanyang mga kilos.
Conscious, in fact.
Katulad na lang nang nakasama niya sa isang preem night ng movie si Marian Rivera.
Kobe was asked what he could say about the Kapuso Primetime Queen.
Naunahan siguro ng nerbiyos ang binata.
Aksidente niyang natawag na “Tita Yan” si Marian!
For sure, balewala lang ‘yon kay Marian mismo.
At least, kinakitaan ng respeto ang binata.
Although hindi naman katandaan pa ang aktres, marahil ay nalito lang si Kobe.
He might have wanted to address Marian as “ate,” pero biglaan nga so he had his mind mixed up.
Marami naman ang nagsasabing posibleng in the past ay nagkatrabaho sina Marian at Benjie.
Posibleng Benjie brought Kobe to the set noong bata-bata ito.
At ‘yun ang rumehistro sa utak ni Kobe.
At least, hindi mapupulaan si Kobe for being disrespectful.
Trending
- Manila AQ Prime Assets, Itinaas ang Rekord sa PCAP sa 4–0
- BSKE: TRO hiniling ni Macalintal sa urgent motion
- Pekeng hotel accomodations, nauuso sa “ber months” : Mag-ingat
- MAG-INGAT: SCAMMERS GAMIT ANG NCAP
- NBI AAKSIYUNAN ANG SAGOT NI VP SARA SA ALEGASYON NI GRACIOSO
- MASTER SERGEANT TANGGAL SA PWESTO
- Bebot na “tulak”, nalambat
- Piolo Pascual ganado ngayong Pasko

