Arestado ang 30-anyos na lalaking nanapak at naging sanhi ng pagka-comatose ng 59-anyos na kaalitan nito sa Barangay Calzada-Tipas, Taguig City, nitong Linggo.
Nahaharap sa reklamong frustrated homicide ang suspek na si “Allan” na agad naaresto sa mabilis na pagresponde ng mga tauhan ng Barangay Security Force (BSF) sa D. Cruz, St.
Sa imbestigasyon, may matagal nang alitan ang suspek at biktima nang muling magtagpo na nauwi sa mainitang komprontasyon, at panununtok.
Bumagsak at nawalan ng malay ang biktima sa matinding suntok sa mukha at isinugod sa Taguig General Hospital, kung saan na comatose at nilagyan ng life support.
Ang suspek ay nasa kustodiya na ng pulisya para sampahan ng pormal na kaso.
Trending
- ‘Di ako takot sa Trump admin – Pope Leo
- Brgy. officials sa ikatlong termino, disqualified na sa BSKE 2026
- BSKE budget realignment sa fuel crisis, ‘unconstitutional’
- DOF: Pagsuspinde ng excise tax ng gasolina at diesel, halos wa-epek din
- Mas mabilis na pagkuha ng permit, inilunsad ng DENR sa Maynila
- Dark-colored shirts, pinakamabisang proteksiyon kontra UV rays — pag-aaral
- Higit 3.9M nagparehistro sa BSKE 2026
- 6-buwang ‘salary donation’ ng mga kongresista vs oil crisis, isinusulong

