Nagtala ng kasaysayan si Lynda Johnson nang manumpa bilang kauna-unahang Pilipina na alkalde ng lungsod ng Cerritos sa California.
Idinaos ang panunumpa sa Cerritos Center for the Performing Arts noong Miyerkoles, Abril 8, bilang bahagi ng taunang pagpapalit ng pamunuan ng konseho ng lungsod. Dinaluhan ito ng kanyang mga tagasuporta, pamilya, at kapwa opisyal.
“I am deeply honored and humbled to stand before you as the first Filipina American appointed to serve as mayor of the city of Cerritos,” ani Johnson sa kanyang talumpati, kasabay ng pasasalamat sa tiwala ng mga kasamahan sa konseho.
Ikinuwento rin niya ang kanyang kabataan nang manirahan sa Cerritos mula 1971, kung saan siya lamang umano ang Pilipino sa kanilang klase. Inamin niya na hindi niya inakalang darating ang panahon na mamumuno siya sa lungsod na kanyang kinalakhan.
Si Johnson ay nahalal sa City Council noong 2022 at nagsilbi bilang mayor pro tem bago umakyat sa puwesto bilang alkalde. Bago nito, naging bahagi siya ng pamunuan ng ABC Unified School District at naglingkod din sa gobyerno ng Los Angeles County ng halos apat na dekada.
Papalitan niya sa puwesto ang kapwa Filipino-American na si Frank Aurelio Yokoyama, na mananatili sa konseho, habang si Mark Pulido naman ang itinalagang mayor pro tem, na nauna nang nagsilbing kauna-unahang Filipino-American mayor ng lungsod.
Trending
- Kaila Estrada, Daniel Padilla wapakels pa rin sa mga viral photo na magkasama
- Julia Barretto aminadong nakadama ng pressure sa pagiging Barretto
- Ogie Alcasid ‘napikon’ kay Vice Ganda
- Higit P3.7m ilegal na gamot nasabat sa Lucena City
- Ammonia, tumagas sa ice plant sa Caloocan: 10 naospital, 90 inilikas
- 100 puno inatake ng peste
- Bagong laya todas, Pulis sugatan sa engkuentro sa Pasay
- 8 lugar tutustahin ng malaimpyernong damang-init
