Speculations keep swirling that Katrina Halili is pregnant anew with Katie’s dad Kris Lawrence.
Ano nga ba ang totoo?
Sa kanyang live video, muling itinanggi ng Kapuso actress na buntis siya.
Ikinunek kasi ‘yon sa naramdamang pagkahilo’t pagsusuka ng aktres.
Pero giit ni Katrina, dala lang daw ‘yon ng matinding pagod, stress at presure sa trabaho.
Inamin ni Katrina na isa sa mga challenges ng kanyang trabaho bilang artista’y ang pagsasaulo ng mahahabang linya sa mga kinukunang eksena.
It contributes daw to her physical and mental exhaustion.
Paniniyak niya, hindi siya nagdadalantao.
Kasabay nito’y ang pakiusap sa publiko na huwag basta-basta naniniwala sa mga unverified reports which circulate on social media.
But if ever, wala namang masama, ‘di ba, lalo’t nagkakamabutihan silang uli ng ama ni Katie?
Trending
- Marcoleta, pinagpapaliwanag ng Sandigan
- Education crisis dapat bigyang prayoridad
- Mas mabigat na parusa sa ospital
- Senior high timbig sa pagpo-post sa socmed ng banta vs guro, estudyante
- Tour guide sibak sa harassment sa hiker
- Delivery rider huli sa P1M shabu
- Ilang bahagi ng Davao lubog sa baha
- Lalaki namemeke ng birth certificate, timbog

