Todo-flex si Kathryn Bernardo sa kanyang fit na pangangatawan sa isang public event para sa bago niyang teleserye, na agad namang naging usap sa social media.
Kapansin-pansin ang toned abs ng aktres, dahilan para maraming netizens ang magsabing mistulang sinagot na rin nito ang kumalat na tsismis na umano’y buntis siya matapos ang kanyang halos isang buwang bakasyon sa Bhutan.
Para sa kanyang supporters, malinaw na walang katotohanan ang isyung iyon, lalo na’t sunod-sunod pa ang mga nakaabang na proyekto ng Asia’s Superstar matapos ang serye nila nina James Reid at Maja Salvador.
Excited na rin ang kanyang fans sa pagbabalik niya sa primetime sa “Someone, Someday,” na unang teleserye niya matapos ang apat na taon.
Ang huli niyang primetime project ay ang “2 Good 2 Be True,” na kasama pa niya noon ang dating nobyo na si Daniel Padilla.
Trending
- Marcoleta, pinagpapaliwanag ng Sandigan
- Education crisis dapat bigyang prayoridad
- Mas mabigat na parusa sa ospital
- Senior high timbig sa pagpo-post sa socmed ng banta vs guro, estudyante
- Tour guide sibak sa harassment sa hiker
- Delivery rider huli sa P1M shabu
- Ilang bahagi ng Davao lubog sa baha
- Lalaki namemeke ng birth certificate, timbog

