Ibinasura ng Office of the City Prosecutor ng Makati City ang reklamong slight physical injuries, maltreatment, at unlawful arrest na inihain ni Alyas Totoy laban kina Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee, aktres na si Rhian Ramos, at Miss Grand International Philippines 2021 Samantha Panlilio.
Nag-ugat ang kaso matapos akusahan ni Alyas Totoy noong Enero ang kabilang panig ng pambubugbog, pagmamaltrato, at pananakit sa kaniya sa loob ng isang pasilidad ng condominium unit.
Inakusahan din niya ang mga ito na pilit siyang ikinulong o dinetine laban sa kaniyang kagustuhan.
Batay sa resolusyon ng mga piskal, ipinag-utos ang pag-disimiss sa kaso dahil sa kawalan at kakulangan ng sapat na ebidensya upang patunayan ang mga akusasyon ng complainant laban sa mga nasabing personalidad.
Trending
- Manila AQ Prime Assets, Itinaas ang Rekord sa PCAP sa 4–0
- BSKE: TRO hiniling ni Macalintal sa urgent motion
- Pekeng hotel accomodations, nauuso sa “ber months” : Mag-ingat
- MAG-INGAT: SCAMMERS GAMIT ANG NCAP
- NBI AAKSIYUNAN ANG SAGOT NI VP SARA SA ALEGASYON NI GRACIOSO
- MASTER SERGEANT TANGGAL SA PWESTO
- Bebot na “tulak”, nalambat
- Piolo Pascual ganado ngayong Pasko

