Aminado ang pamunuan ng Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) na posibleng magkaroon ng kakulangan sa mga bibiyaheng bus sa Holy Week.
Ayon kay PITX Corporate Affairs Head and Spokesperson Jason Salvador, may ilang bus operator na ang nagpahiwatig na magbabawas sila ng bibiyaheng bus dahil hirap na sila sa kanilang operasyon dahil sa mataas na presyo ng petrolyo.
Kasabay nito, napansin din umano ng pamunuan ng PITX na nadagdagan ang mga commuter ngayong mataas ang presyo ng petrolyo.
Kaya, nag-aalala ngayon si Salvador na baka pagdating ng Holy Week, kung saan aasahan ang pagtaas ang bilang ng pasahero ay baka magkaroon ng kaunting kakulangan sa biyahe ng bus.
Sa susunod na linggo asahan na naman ang malakihang umento sa presyo ng mga produktong petrolyo na aabot sa P14 sa kada litro ng diesel at P7 naman sa gasolina.
Trending
- Eala dapa kay Anisimova; akyat sa WTA No. 17 ranking
- Baterbonia, Adili inalala bago ang tapatan ng Ateneo Blue Eagles, Fatima Phoenix
- Michael V, may tribute kay Alex Eala
- Ina ni Awra, may breast cancer
- Priscilla, planong bumalik sa showbiz
- Kelot kumakatay at nagbebenta ng aso, arestado
- 3 sangkot sa pananaksak at ikinasawi ng estudyante
- Makapal, masangsang na likido kumalat sa baybayin ng Batangas

