Nagluluksa ngayon si Joseph Bitangcol sa pagpanaw ng kanyang ina, si Mommy Lydia.
Sa Instagram, ipinost ni Joseph ang litrato nilang mag-ina.
Ani Joseph: “Love you so much Ma. Grabe na inilaban mo.”
Nilakipan ng puting bulaklak ni Joseph ang post niyang ‘yon at solo shot ni Mommy Lydia.
Bumuhos naman ang pakikiramay mula sa mga kaibigan at kasamahan ni Joseph sa showbiz.
Kabilang dito’y sina Christopher Roxas, Wendell Ramos, Rodjun Cruz, Ara Mina, Joross Gamba, Dennis Padilla at marami pang iba.
Hindi binanggit ni Joseph ang sanhi ng pagkamatay ng ina as he opted to keep it in private.
Ulilang lubos na si Joseph dahil unang pumanaw ang kanyang ama noong 2017.
Habang sinusulat ito’y wala pang mensahe ng pakikidalamhati ang dating katambal at nobya ni Joseph na si Sandara Park.
Sandara and Joseph were a couple noong nag-aartista pa sa bansa ang K-pop singer-actress.
Mula sa Remate Online, ang aming taospusong pakikiramay kay Joseph Bitangcol.
=====
Trending
- Kyline, inabswelto si Miguel
- Vincent, inirereto noon kay Kim Chiu
- Echo, nagpaka-fanboy kay Matt Damon
- Kings, tinapos ang Summer League sa panalo vs Hornets, 92-90
- LeBron James, ‘di pa rin nakakapili ng team na lilipatan
- UST astig sa Shakey’s Juniors volleyball semis
- Ryan Garcia, dedepensa vs Conor Benn sa Setyembre
- Friendship over na? Bela Padilla wala sa IG post ni Angelica Panganiban

