Muling naging sentro ng atensyon sa social media si dating WWE superstar John Cena matapos kumalat ang isang viral video ng hindi inaasahang interaksyon niya sa internet personality na si Harry Daniels.
Sa naturang video na umani na ng mahigit 2.3 milyong views, makikitang nilapitan ni Daniels si Cena habang ito ay nakaupo sa isang café.
Walang paunang abiso, bigla umano siyang kumanta sa harap ng WWE icon.
Si Daniels ay kilala sa TikTok dahil sa kaniyang estilo ng paglapit sa mga kilalang personalidad sa publiko at pagkanta sa kanila bilang bahagi ng kaniyang content.
Matapos ang insidente, inamin mismo ni Daniels na hindi siya naging komportable sa sitwasyon at humingi siya ng paumanhin kay Cena sa caption ng kaniyang video.
“Ok this ones on me cuz i had no decorum my bad sorry john cena,” ani Daniels.
Bagama’t sanay na si Daniels sa ganitong uri ng content, naging kapansin-pansin ang naturang video dahil sa mahinahong reaksyon ni Cena sa kabila ng biglaang pangyayari.
“People are becoming more and more socially UNAWARE. It’s an epidemic.”
“There used to be an unwritten rule where you leave people alone.”
“Cena is dope if you don’t run up on him filming and s*, super chill dude if you treat him like a normal human.”
“John Cena being very polite and respectful as always.”
“Why can’t people leave him alone and be respectful if they approach him.”
‘He deserves his personal time too. Respect.”
Trending
- John Cena, tinalampak ‘TikToker’ na nangharana sa kaniya sa isang cafe
- Tapatang Pacquiao brothers, ekis mangyari!
- Award-winning actress Sue Prado pumanaw @ 44
- 1st death anniv ni Ate Guy ipinagdiwang
- Viewers ng Showtime, lumilipat sa Eat Bulaga ‘pag wala si Vice
- PBBM, nangakong wawakasan ang gutom sa bansa bago matapos ang termino
- Malacañang, nilinaw na walang direktang deal ang bansa sa Petronas para sa diesel shipment
- Over-importation ng asukal pinatatalupan

