Dating nabibilang sa iisang talent management company sina John Lloyd Cruz at Jasmine Curtis-Smith.
Both were under Maja Salvador’s Crown Artist Management kaya madali raw nilang nakilala ang isa’t isa.
Umabot nga sa puntong naging komportable sina Jasmine at Lloydie sa isa’t isa.
Iniuugnay ito ni Jasmine sa natuklasan niya sa pagkatao ng aktor.
The most apt term to describe the award-winning actor is “jologs,” as in down-to-earth.
Binanggit ni Jasmine ang minsang pagkakakita niya kay JLC sa isang paresan malapit sa isang convenience store, kung saan ito kumakain.
Aboard her car, bumaba si Jasmine at nilapitan si Lloydie na, aniya, ay walang pakialam at ine-enjoy lang ang kanyang kinakain, kesehodang isa siyang sikat na aktor.
“After that, naglakad lang kami pabalik sa sasakyan,” Jasmine said.
Dahil nagkagaanan na sila ng loob, naging walk in the park ang pagtatrabaho nila sa isang indie movie.
Marami raw siyang natutunan kay JLC, most especially about his career perspective.
Masaya si Jasmine na nakabalik siya sa kanyang roots matapos gumawa ng ilang indie movies.
=====
Trending
- Lady Red Spikers nakamit ang ikalawang tagumpay
- Qatar tinambakan ang Iran 9 days bago ang opening ceremony ng Asian Games
- Isabelle Daza nagregalo ng cellphone sa tindera
- Katherine Luna fan mode nang makasama mga sikat na artista
- Dina Bonnevie sobrang love ang manugang niyang si Kristine Hermosa
- BARMM elections madugo
- Singil sa kuryente, bahagyang bababa ngayong Setyembre
- 55 wildlife traders, timbog sa operasyon ng DENR

