NANGANGANIB na hindi makalaro si Japeth Aguilar sa susunod na dalawang laban ng Barangay Ginebra San Miguel matapos magtamo ng injury mula sa matinding pagbagsak sa kanilang laban kontra Blackwater sa PBA Commissioner’s Cup.
Ayon kay head coach Tim Cone, nananatili pa sa ospital ang beteranong big man ngunit inaasahang makakalabas na rin sa mga susunod na araw.
Gayunman, maliit ang tsansa na agad itong makakabalik sa ensayo bago ang mahahalagang laban ng koponan.
Nakakaranas umano si Aguilar ng kondisyon na may “air pockets” sa paligid ng kanyang baga, na kilala sa terminong pneumomediastinum, bagama’t tiniyak ng coaching staff na wala na ito sa panganib at hindi naman seryoso.
Mahaharap ang Ginebra sa matitinding koponan tulad ng Meralco Bolts at Rain or Shine Elasto Painters sa mga darating na araw, kung saan target nilang maselyuhan ang twice-to-beat advantage sa quarterfinals.
Trending
- PBBM, ipinag-utos 3-month suspension sa terminal fees ng PUVs sa PITX
- Banta ng destabilisasyon dahil sa nangyari sa Senado, tinabla ng AFP
- CHED ipinagpaliban pagbawas ng GE units sa kolehiyo
- Villafuerte tinukuran hakbang ng gobyerno vs fake news, deep fake
- Lolo na illegal recruiter nalambat
- Truck nahulog sa bangin sa Quezon
- Ginang na bagong ligo nagsaksak ng bintilador, nangisay
- Lalaki huli sa P420K ‘paihing krudo’ sa Bulacan ops

