Hindi nagpahuli sa pagpapakilig si Jake Cuenca sa kanyang mga faney matapos niyang magbahagi ng bagong larawan na kitang-kita ang kanyang abs.
Bago humarap sa kanyang work commitments, naglaan muna ng oras ang aktor para mag-workout.
Ipinakita rin niya sa kanyang post ang resulta ng kanyang regular na pag-eehersisyo.
Dahil dito, hindi napigilang purihin ng kanyang mga follower ang pangangatawan ni Jake.
Para sa mga faney, kapansin-pansin ang effort ng aktor na manatiling fit at alagaan ang kanyang katawan.
Lalo tuloy nilang hinangaan ang disiplina ni Jake dahil kahit may trabaho, nagagawa pa rin niyang isingit ang pagpunta sa gym.

