Isang inosenteng motorista ang nasawi matapos umanong tamaan ng ligaw na bala habang isinasagawa ng mga pulis ang operasyon laban sa mga hinihinalang sangkot sa serye ng nakawan sa lungsod.
Kinilala ang biktima na si Shayeed Mangelen Lim, na ayon sa paunang imbestigasyon ay naglalakbay lamang sakay ng kanyang sasakyan nang madamay sa putukan sa pagitan ng mga operatiba at mga tinutugis na suspek.
Dahil sa insidente, agad na isinailalim sa protective custody ang dalawang pulis na kabilang sa operasyon habang nagpapatuloy ang masusing pagsisiyasat.
Kinuha rin ng mga awtoridad ang kanilang mga service firearm upang sumailalim sa ballistic examination at isinailalim din sila sa paraffin test bilang bahagi ng imbestigasyon.
Samantala, ipinatupad ng pamunuan ng pulisya ang administrative relief sa hepe ng Tacurong City Police Station.
Ang mga operatibang sangkot naman sa operasyon ay pansamantalang inilipat at ni-restrict sa provincial headquarters habang hinihintay ang resulta ng imbestigasyon.
Nagpahayag ng pakikiramay ang Philippine National Police sa naiwang pamilya ng biktima at tiniyak na magbibigay ng kinakailangang tulong.
Patuloy namang nananawagan ang publiko para sa isang patas, malinaw, at transparent na imbestigasyon upang matukoy ang pananagutan at mabigyang hustisya ang pagkamatay ng inosenteng sibilyan.
Trending
- Filipinas hindi pinaporma ang Hong Kong 2-0
- Rain or Shine pinalawig ang kontrata ni Guiao hanggang 2030
- Ellen nagpasampal sa paldong sustento ni John Lloyd
- Isyu kina Claudine at Tulfo, naungkat; Aktres, nagpaliwanag
- Glaiza, flinex ang pagbubuntis
- 2 katao huli sa P9.53m exotic wildlife sa Surigao Port
- 4 terorista patay sa bakbakan sa Bangsamoro area
- 4 estudyante todas sa leptospirosis sa Bulacan

