Arestado ang isang Indonesian national at nasagip ang mahigit P5.5 milyong halaga ng protected wildlife species sa Sarangani noong nakaraang linggo.
Sa pahayag ng Philippine National Police (PNP), ang operasyon ay ikinasa noong Hunyo 4 ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), iba pang police units, at Department of Environment and Natural Resources–Municipal Environment and Natural Resources Office (DENR-MENRO) ng Sarangani.
Narekober ng mga awtoridad ang ilang protected wildlife species na dala-dala umano nang walang permit na kailangan sa ilalim ng Republic Act 9147 o Wildlife Resources Conservation and Protection Act, na nagbibigay regulasyon sa koleksyon, posesyon, pagbibiyahe, at pagbebenta ng wildlife at wildlife by-products.
Ang naarestong Indonesian national ay nahaharap sa reklamong paglabag sa RA 9147.
“Ang tagumpay na ito ay bunga ng mahusay na koordinasyon ng ating mga kapulisan at mga katuwang na ahensya ng pamahalaan. Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos, mas napapalakas natin ang proteksyon sa ating likas na yaman at wildlife resources,” sinabi ni PNP chief Police General Jose Melencio Nartatez Jr.
“We remain steadfast in enforcing environmental laws and supporting conservation efforts across the country. Our message is simple: the protection of wildlife and the environment is a shared responsibility, and the PNP will continue to do its part in preserving these resources for future generations,” dagdag pa niya.
Trending
- NU target ang korona sa SSL Unity Cup
- Aby magreretiro na sa paglalaro ng volleyball
- Edu, may masakit na mensahe sa mga korap
- Kim, waging Best Global Star sa SoKor
- Priscilla, sinabihang may asim pa
- 19 pagyanig naitala sa paga-alboroto ng bulkang Mayon
- DILG, hinamon si Roque ilabas ang katibayan ng asylum approval
- DFA, tumangging magbigay ng detalye sa kinaroroonan ni Zaldy Co sa France

