Nauwi sa isang marahas na insidente ang umano’y dating app meet-up matapos umanong nakawan at saktan pa ng tatlong transgender ang isang Japanese national sa loob ng isang hotel room sa Parañaque City noong Miyerkules.
Kinilala ni Parañaque City Police chief Col. Nicolas Pinon ang biktima na si Uri, 26, na naninirahan sa Seaside Drive, Entertainment City, Barangay Tambo.
Inaresto ng pulisya ang isa sa mga suspek, na kinilalang si alyas Justine, habang tinutugis pa ang dalawa niyang kasabwat na sina alyas Riley at Kitty.
Ayon sa biktima, nakilala niya si Riley sa pamamagitan ng isang dating app at pumayag na magkita sa kanyang hotel room, pero nang dumating ito ay kasama na sina Justine at Kitty.
Pagpasok sa loob, hinubaran umano ng mga suspek ang biktima at pinilit na gumawa ng sekswal na gawain.
Pagkatapos ay humingi sila ng tig-P20,000, ngunit tumanggi ang biktima kaya sinaktan ito at tinutukan ng baril sa mukha saka pinilit na mag-withdraw ng pera.
Habang palabas ng hotel, nagawa namang humingi ng tulong si Uri sa pamamagitan ng kanyang telepono at ipinakita ito sa isang receptionist ng hotel.
Agad na inalerto ng receptionist ang security ng hotel, at sa tulong ng isang Japanese interpreter, naaresto ng mga awtoridad si Justine.
Gayunpaman, sa pagbabalik sa kanyang silid, nadiskubre ng biktima na tumakas ang mga kasama ni Justine at tinangay ang kanyang nasa 200,000 yuan at P9,000 na cash.
Nakapiit na si Justine habang tinutugis pa ang dalawa niyang ksabwat.
Trending
- Kaila Estrada, Daniel Padilla wapakels pa rin sa mga viral photo na magkasama
- Julia Barretto aminadong nakadama ng pressure sa pagiging Barretto
- Ogie Alcasid ‘napikon’ kay Vice Ganda
- Higit P3.7m ilegal na gamot nasabat sa Lucena City
- Ammonia, tumagas sa ice plant sa Caloocan: 10 naospital, 90 inilikas
- 100 puno inatake ng peste
- Bagong laya todas, Pulis sugatan sa engkuentro sa Pasay
- 8 lugar tutustahin ng malaimpyernong damang-init
