Siniguro ni World Health Organization (WHO) Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus sa publiko na kontrolado ang sitwasyon at hindi dapat mag-panic sa gitna ng ulat ng hantavirus outbreak sa loob ng cruise ship na MV Hondius.
Ang pahayag ay ginawa bago pa man dumaong ang nasabing barko sa Tenerife, Spain.
Binigyang-diin ni Tedros na ang sitwasyon ay “hindi isa pang COVID” at nananatiling mababa ang banta nito sa kalusugan ng publiko.
Ang MV Hondius, na may lulang mahigit 140 pasahero at crew, ay dumating na sa Spain matapos kumpirmahin ang pagkamatay ng tatlong pasahero.
Ilan pa sa mga lulan nito ang nagpositibo sa Andes strain ng hantavirus, isang variant na may kakayahang makahawa ng tao-sa-tao.
Ayon kay Tedros, nakahanda na ang mga awtoridad sa Espanya para sa mahigpit na containment at evacuation protocols.
Trending
- Manila AQ Prime Assets, Itinaas ang Rekord sa PCAP sa 4–0
- BSKE: TRO hiniling ni Macalintal sa urgent motion
- Pekeng hotel accomodations, nauuso sa “ber months” : Mag-ingat
- MAG-INGAT: SCAMMERS GAMIT ANG NCAP
- NBI AAKSIYUNAN ANG SAGOT NI VP SARA SA ALEGASYON NI GRACIOSO
- MASTER SERGEANT TANGGAL SA PWESTO
- Bebot na “tulak”, nalambat
- Piolo Pascual ganado ngayong Pasko

