Pumalo ng 696 indibidwal ang naitalang lumabag sa ordinansang nagbabawal na mag-topless sa lansangan sa loob lamang ng isang linggo sa Davao City.
Ayon sa datos ng Davao City Police Office (DCPO) nasa halos 700 katao ang naisyuhan nila ng ticket dahil sa paglabag sa nasabing ordinansa mula noong Abril 12 hanggang 18, 2026.
Ayon sa DCPO hindi na raw bago ang pagpapatupad ng naturang ordinansa sa kanilang lugar bagama’t kamakailan lang ito muling iminandato ng Department of Interior and Local Government (DILG).
Ang Safer Cities Initiative, na inilunsad ni DILG Sec. Jonvic Remulla, ay bahagi ng pinaigting na kampanya laban sa kriminalidad na naglalayong ipatupad ang mga lokal na ordinansa at mapanatili ang kaayusan sa Metro Manila.
Noong Abril 6, nang ilatag niya ang mga pagbabawal na tututukan umano ng kapulisan sa Metro Manila at iba’t ibang panig pa ng bansa.
Katunayan, mula pa raw noong Enero 1 ay umabot na sa 5,075 ang mga naitala nilang lumabag sa nag-topless lamang sa lansangan.
Ayon sa mga awtoridad, ito raw ang nangungunang violations sa kanilang lugar habang pumapangalawa naman ang traffic violations at curfew regulations.
Batay pa sa ibang datos mula sa DCPO sa loob lamang ng isang linggo, tinatayang nasa 2,634 ang naitala nilang traffic violators, 354 na mga menor de edad na sumuway sa curfew, 245 sa anti-smoking ordinance at 146 para sa mga overspeeding.
Trending
- Mayor na binazooka, humirit ng agarang imbestigasyon sa DOJ
- 5 NPA patay sa engkuentro sa Negros Occ.
- Tulay sa Davao, gumuho sa malakas na agos ng tubig
- NBI driver posibleng nadikitan lang ng gunpowder sa Senado – Matibag
- DILG, nilinaw kung bakit ‘di inaresto si Dela Rosa
- Giit ni Matibag: NBI ang inaatake, hindi Senado!
- NBI: Cyber warrant vs Franco Mabanta aprub na
- NBI may ‘leads’ na sa kinaroroonan ni Sen. Bato

