Inihayag ni Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) specialist Obet Badrina na aabutin pa ng hanggang Oktubre ang pag-iral ng Habagat sa bansa.

Sa weather forecast ng PAGASA nitong Linggo, Setyembre 6, 2026, iginiit niyang mararamdaman pa rin ang epekto ng Habagat hanggang sa mga unang linggo ng Oktubre.

“Sa mga nagtatanong, kailan ba matatapos itong southwest monsoon o habagat? Base po sa mga nakaraang taon, natatapos po yung season po natin ng habagat o yung panahon ng habagat, bandang first half po ng October, either first or second week ng October,” ani Badrina.

Saad pa niya, maaaring maramdaman ang bugso ng Habagat silangang bahagi ng Luzon at maging sa Visayas.

“Kaya sa mga kababayan po natin, lalong-lalo na nga sa may western section ng Luzon, maging sa may Kabisayaan, ay asahan pa rin po itong patuloy na epekto ng habagat na magdadala ng mga pag-ulan,” paliwanag pa niya.

Samantala, patuloy namang mino-monitor ng PAGASA ang galaw ni tropical cyclone Pilandok na malapit sa Philippine Area of Responsibility (PAR).

“Halos na sa may boundary na po ito ng Philippine Area of Responsibility at hindi nga natin inaalis ang posibilidad na muli itong pumasok within the day. Pero kung papasok man ito, posibleng lumabas din ito ng Philippine Area of Responsibility within the day,” anang PAGASA.

Bagama’t hindi direktang makakaapketo sa bansa, inaasahang magpapaulan pa rin sa bansa ang habagat.

“Gayunpaman, kahit pumasok o lumabas o hindi man pumasok ng Philippine Area of Responsibility ang bagyong si Krovahn ay inaasahan natin na patuloy itong magpapalakas ng hanging habagat bagamat hindi ito magkakaroon ng direktang epekto sa ating bansa,” aniya pa.

Share.